(Din pov) “Ano labag sa loob mo? Pare, minor naman yung tao. Patawarin mo na lang. Ang mahalaga ay nagsisi na yung tao.” “Iyon na nga, pare. Parang hindi naman nagsisi. Saka nagtataka lang ako. Doon sa CCTV parang hindi naman siya ang driver noong kotse.” Tinapik ako ni Dave sa braso. “Pare, bakit naman magsisinungaling yung tao. Wag mo na pasakitin ang ulo mo. Siya nga pala magiging busy na ako next day. Alam mo na, kailangan kong maghanda sa exam. Baka hindi ko na magawa yung pinapagawa mo. Pero wag kang mag alala gagawin ko rin agad ‘yon bago mag December.” “Salamat, pare.” Napahinto kami sa paglalakad ng humarang ang isang babae sa amin. Kumunot ang noo ko ng makilala si Rhiana, ang kaibigan ng asawa ko. “Sabi ko na nga ba ikaw ‘yan, Din. Dito ka rin pala ang aaral. Dito rin kasi nag aaral ang kapatid ko.” Siniko ako ni Dave. “Lagot, pare. Ayaw pa naman ng misis mo na kinakausap ka ng ibang chicks.” Bulong nito. “Kaibigan ‘yan ng asawa ko.” “Ah gano’n ba.” Inayo
Last Updated : 2026-01-27 Read more