Pagkauwi ay naabutan ko sina Lola at Ate Demi sa sala. Mukhang hinintay ako ni Ate Demi na makabalik para kausapin. Nang makaupo ako ay malakas akong hinampas ni Lola sa braso. "Ikaw na bata ka ano ang ginawa mo! Nakakahiya kina Ava at Elijah!" "Aray ko, Lola!" muli ako nitong hinampas. Parang walang pinagdaanan na panghihina itong si Lola, kung makahampas ay parang maton. "Masasaktan ka talaga sa aking bata ka! Sa dami ng babae na pwedeng ikalantari ay si Annaliza pa!" Nagsawa sa kakahampas sa akin si Lola at hinihingal na umupo sa tabi ni Ate Demi. Gusto kong sabihin na hindi namin sinasadya ang nangyari dahil pareho kaming nalasing ngunit pinili kong itikom ang aking bibig. What's the point? Baka isipin lang nila na naghuhugas-kamay lang ako. Nakapag desisyon na ako, wala ng magbabago kahit magpaliwanag pa ako. "Din, kilala kita, alam kong hindi mo mahal si Annaliza." Bumuntonghininga si Ate Demi. "Mahal kita, Din. Kapatid kita eh. Pero mahalaga din sa akin si Annaliza, pa
Last Updated : 2026-01-11 Read more