"Ano? Kinausap mo ang kaibigan ni Din? Mabuti hindi siya nagduda? My god! Kinabahan ako do'n 'ah!" Komento ni Clarice pagkatapos ko ikwento rito ang pagkausap ko kay Dave. "My god, guys! Kung alam niyo lang rin kung gaano ako kinabahan ng marinig ko silang nag uusap ni Danilo. Imagine hanggang ngayon ay pinapahanap niya kayo." Inirapan ako ni Jaffy. "Corrrection, TAYO." Pagtatama nito na ikinatawa ni Nessy. "Alam mo, Annaliza. Hindi ko mapigilang hindi kabahan ha. Kasi kahit huminto na ang kaibigan niya, sigurado ako na kikilos siya. Diba ang sabi mo nanalo siya noong nakaraang buwan sa Unibersidad nila? Sinira mo lang naman ang mga computer niya at sinisira mo ang laptop niya kaya hindi siya makatutok sa paghahanap. Paano kung makahalata na siya?" Napalunok ako ng laway. Yes, sinira ko ang lahat ng computer niya at dinelete ang lahat ng files doon. Maging ang mga USB ni Din ay sinira ko rin. Ginawa ko ang lahat para lagi siyang bumalik sa simula. Back to zero sa lahat. Ma
Read more