“Aminin mo kung sino ang ama ng batang dinadala mo. Sino siya at bakit hindi mo magawang sabihin sa amin kung sino siya?!” “D-Daddy… ayoko po ng gulo.” Inalo ni Mommy si Daddy para kumalma ng ihampas nito ang kamao sa glass table sa gitna. “Malaking kaguluhan na itong dinala mo sa pamilyang ito magbuhat ng mabuntis ka ng walang asawa. Walang kaibahan kahit maglihim ka pa. Sino ang ama ng batang iyan?!” “Mahal, humihinahon ka. Buntis ang anak mo, baka makasama sa ating apo ang paninindak mo.” Awat ni Mommy kay Dad bago ito bumaling sa kapatid ko. “Anya, aminin mo na ang totoo, hindi mo kailangan maglihim sa amin ng Dad mo. Tell us.” Lumuhod si Anya at umiiyak na tumungo ang ulo. Wala itong balak aminin sa lahat ang totoo. Matapang itong sumagot kay Dad. “Hindi ko siya mahal, Dad. Bunga lang ang batang ito ng pagkakamali naming dalawa. S-saka hindi ko siya kilala—“ “Daddy!!!” “Elijah!” Lahat kami ay nagulantang ng sampalin si Anya ni Dad. “Hindi mo kilala?! Nagpagala
Read more