“Do I look familiar?” Mapang-akit ang tinig ng babaeng bagong dating.Lahat ay napalingon sa kanya — si Betty, nakasuot ng pulang dress, pulang heels, at itim na maskara. Sa unang tingin, hindi halata kung sino siya, pero nang alisin niya ang maskara, mabilis na kumalat ang mga bulungan.“Si Betty ’yan!”“’Yung kaibigan ni Brigitte!”“Anong ginagawa niya rito?”Ngumiti si Betty, diretso ang tingin kay Alexander. “Long time no see,” malambing niyang sabi, sabay dahan-dahang lumapit.“Betty?” bulong ni Alexander, naninigas ang panga. “What are you doing here?”Hindi sumagot si Betty. Sa halip, bahagya siyang ngumiti at iniangat ang kamay — akmang hahaplusin ang pisngi ni Alexander.Pero bago pa man siya makalapit, mabilis na hinawakan ni Iris ang braso ni Betty. Mariin. Halos mapatigil ito sa kinatatayuan.“Huwag mong hawakan ang hindi sa ’yo.”Mababa ang tinig ni Iris, pero matalim ang bawat salita.Sabay-sabay na napa-“Ohhh!” ang mga tao. Ang ilan ay natahimik, ang iba nama’y napahawa
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-06 อ่านเพิ่มเติม