Halos hindi makapaniwala si Iris sa kalokohan ni Doña Conchita. Kanina lang ay halos himatayin na siya sa kaba, pero ngayon, nagtatawanan na silang lahat. “Kasi naman, hija, iniisip ko pa lang na sa akin mo ipapakain ang ice cream na may bagoong, nasusuka na ako!” sambit ni Doña Conchita. “Mommy naman!” reklamo ni Iris habang nakapamewang. “Akala ko po talaga kung ano na ang nangyayari sa inyo.” Tumatawa pa rin ang matanda, halos maluha. “Pasensya ka na, hija. Hindi ko napigilan. Gusto ko lang makita kung gaano ka ka-protective.” Napabuntong-hininga si Iris at naupo sa gilid ng kama, hawak ang tiyan. “Grabe, muntik nang lumabas ’tong baby sa sobrang gulat ko.” Lumapit si Doña at marahang hinaplos ang buhok niya. “Pasensya na, Iris. Pero tandaan mo, natural lang ang mag-alala. Kapag naging ina ka na, mas lalo mong maiintindihan ’yan.” Tahimik na tumango si Iris. Napatingin siya sa matanda, tila may gustong itanong. “Mommy… noong buntis po kayo kay Alexander, ano po bang mga
Dernière mise à jour : 2025-09-28 Read More