Nakasuot pa rin ng sunglasses si Iris habang nakaupo sa opisina ni Alexander. Halata pa rin ang pamumugto ng mga mata niya kahit anong pilit itago. Pero hindi naman niya alintana, dahil mula pa kaninang umaga, hindi siya tinigilan ni Alexander sa pag-aalaga. “Sweetheart, tubig. Uminom ka muna,” sabay abot ni Alex ng bottled water. Napangiti si Iris. “Para akong bata, inaalagaan mo ng todo.” “Gusto ko lang siguraduhin na okay ka,” sagot ni Alex sabay haplos sa buhok niya. Hindi nila alintana na nakatingin na pala ang ibang staff. May mga nagtitinginan, may nagbubulungan, pero si Alexander, kalmado lang. Para bang wala siyang pakialam kung ano ang isipin ng iba. “Grabe, PDA sa office,” bulong ng isa. “Trip lang kaya nila mag-shades? Gayahin ko nga rin,” biro ng isa pa. Narinig ni Iris ang mga iyon at agad siyang kinabahan. “Alex, nakakahiya,” mahina niyang sabi. Pero ngumisi lang si Alexander. “Sweetheart, hayaan mo sila. Basta ako, proud ako sa ’yo.” Namula si Iris, h
Last Updated : 2025-09-23 Read more