TOUCHDOWN sa Rome, Italy. Pagod pa sa mahabang biyahe, pero wala akong oras magpahinga. Isa lang ang nasa isip ko, ang hanapin si Giselle. Lumabas kami ng airport. Ang dami ng tao, ingay ng mga kotse, iba ang amoy ng hangin. Iba talaga sa Manila. Pero wala akong pakialam. Focus lang ako sa totoong ipinunta ko rito. Huminga ako nang malalim na malalim. At sumamyo ng malamig na hangin sa airport ng Rome. May huminto na sasakyan sa harapan namin ni Daddy. Lumabas ang driver niyon. "Good evening, Mr. Aron Velasco. I'm Butler Luca of Velasco family. Welcome to Rome," mahinahong sabi ng butler, si Luca, habang tinutulungan kaming ipasok ang maleta sa trunk ng sasakyan. "Thanks," sagot ni Daddy habang inaayos ang balanse ng maleta. Ako naman ay tahimik, hawak ang aking bag. Pero ang utak ko ay nagwawala, kung nasaan kaya si Giselle ngayon? "Shall we proceed to the mansion, Mr. Velasco? I make sure everything is ready for your stay here in Rome," tanong ni Luca, mahinahon ngunit
Terakhir Diperbarui : 2025-11-11 Baca selengkapnya