DUMATING na si Mama galing trabaho. Nagmano ako sa kanya. Nakaalis na pala si Adrian. Inabot na nga nga gabi iyon sa apartment. Kung hindi ko pa sinabi na umuwi na siya ay hindi talaga uuwi 'yon."Nakauwi na ba si Adrian?" usisa ni Mama."Opo, Ma. Kauuwi lang po. Hindi na kayo nagpang-abot," sagot ko."Ano na ang estado ng relasyon ninyong dalawa, Giselle?" tanong niya pa habang umuupo sa sopa.Kumibit ako ng balikat ko. "Hindi ko po alam. Pero masaya po ako, Ma."Humingi siya ng malalim. "E, anong plano mo? Napatawad mo na ba si Adrian?"“Hindi ko pa po alam,” sagot ko nang mahina, halos bulong habang tinitingnan ko ang sahig. “Pero… Ma, he’s trying. Sobra. At ramdam ko po.”Tumango si Mama, mabagal, parang iniintindi ang bawat salita ko. “Anak, hindi kita pipilitin. Pero gusto ko lang na sigurado ka. Hindi ‘yung masaya ka lang ngayon tapos masasaktan ka na naman bukas.”Umupo siya nang mas maayos, nakaharap sa akin. “Giselle… kung mahal mo pa siya, aminin mo sa sarili mo ang totoo.
Terakhir Diperbarui : 2025-11-18 Baca selengkapnya