TAHIMIK at kaunti lang ang resto na pinuntahan namin ni Eliza. Kakaunti ang kumakain at mas marami ang nag-uusap na parang hindi namin naririnig. Umupo kami sa isang mesa sa tabi ng bintana, at habang tinitingnan ko ang menu, ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. “Anong gusto mo kainin?” tanong ni Eliza, sabay ngiti sa akin. “Teka, tingnan muna natin,” sagot ko, pilit kumikilos na parang normal lang. Ang dami pa ring gumugulo sa isip ko pero pilit kong pinapatatag ang damdamin ko. Maigi na lamang at andito sa Rome si Eliza para makasama ko. Siguro, kaya nawala si Adrian ay may taong darating pa rin sa buhay ko na magiging karamay ko at magiging lakas ko, iyon ay si Eliza. Habang naghihintay kami sa order, napansin ko ang maliit na store sa kabilang kalsada na nagtitinda ng baby clothes at accessories. Napangiti ako na humarap sa kaibigan ko. “Eliza, baka pwedeng pumunta tayo doon pagkatapos nating kumain?” tanong ko, sabay hawak sa tiyan ko. Sa palagay ko, magandang oras ito na
Read more