HINDI pa rin talaga titigil si Tita Isolde. Ipipilit pa rin ang gusto niya. I am done with all of this. Lahat ng kontrol, mga dikta nila at lahat ng gusto nilang mangyari sa buhay ko. “Tita, please,” sabi ko, halos pasigaw na. “Enough. Hindi ko na kaya. Hindi ko na gusto ang ganitong klaseng buhay na parang ako lang ang walang karapatang pumili ng gusto ko." “Adrian, I’m only doing what’s best for you!” sigaw niya pabalik. “Kapag nagkamali ka, hindi lang ikaw ang masasaktan, pati ang buong pamilya natin!” “Then let me make that mistake!” balik ko agad. “At least sa pagkakataong ‘to, ako ang pumili kung saan ako masasaktan!” Tumahimik ang paligid. Rinig ko lang ang mabigat kong paghinga. Si Viviane ay nakatayo sa gilid, halos hindi makagalaw. Habang si Tita Isolde ay nanatiling nakatingin sa akin, parang hindi makapaniwala sa narinig. “You raised me to be strong, Tita. Pero, how can I be strong kung pati sa puso ko, may nagdidikta pa rin?” Noong namatay si Mommy, si Tita Isolde a
最終更新日 : 2025-11-08 続きを読む