PAGDATING ko sa harap ng altar, nag-abot ang aming mga mata. Mahinahong ngumiti si Adrian. “You look beautiful,” bulong ni Adrian habang marahan niyang inaabot ang kamay ko. “Thank you,” mahina kong sagot, pero ramdam kong ang bawat salitang iyon ay puno ng pagmamahal. "Hi po, Tita Gigi," bati ni Adrian na nakangiti kay Mama. "Mama na rin ang itawag mo sa akin. Ano ka ba? Asawa ka na ng anak ko..." sagot ni Mama. Napatingin si Adrian sa akin at muling nangiti. "Sige po, M-Mama..." nahihiya pang sabi niya. "Hindi po ako mangangako sa inyo na hindi siya iiyak sa piling ko. Pero gagawin ko po ang lahat “…para sa bawat luha niya, may yakap akong naghihintay,” mahinahong dugtong ni Adrian, diretso ang tingin kay Mama, pero pagkatapos ay lumipat iyon sa akin. “At hindi ko siya bibiguin, kahit kailan.” Hindi ko napigilang mapangiti habang pinupunasan ang luhang kusa nang gumulong sa pisngi ko. Hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa saya. Sa wakas, ito na talaga ‘yon. Ang simula ng buh
最終更新日 : 2025-11-03 続きを読む