"ARE you really sure?" muling tanong ni Calvin. Tumango ako. "Hayaan na lang natin si Samantha. Ligtas naman ang anak natin. Ayoko na mahirapan pa at ayoko ng gulo, Calvin." Saad ko. Pakiusap na rin na huwag pahabain pa ang lahat. Tahimik si Calvin matapos kong magsalita. Napatingin siya sa akin, tila hindi makapaniwala sa narinig. “Elisa…” mahina niyang sabi. Hinawakan ko nang mas mahigpit ang kamay niya. “Please,” pakiusap ko. “Ligtas naman ang baby natin. Iyon na ang mahalaga sa akin.” Napabuntong-hininga siya at bahagyang napalingon sa bintana, parang pilit kinokontrol ang galit na kanina pa niya pinipigilan. “Hindi puwedeng ganito na lang, Elisa,” mariin niyang sabi matapos ang ilang segundo. “Tinulak ka niya. Buntis ka.” “Alam ko,” sagot ko agad, pero mahina ang boses ko. “Pero ayoko na ng gulo, Calvin. Ayoko ng demanda, ayoko ng presinto, ayoko ng scandal. Pagod na ako.” Napapikit ako sandali habang muling hinahaplos ang tiyan ko. “Ang gusto ko lang ngayon… maging
Read more