DUMATING kami sa mansyon na halos hindi nag-iimikan. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ayoko na maapektuhan ang anak ko. Pero durog na durog ako. Pagbukas ng sasakyan, ako agad ang naunang bumaba. Hindi ko na hinintay si Calvin. “Baby... Elisa, wait,” tawag niya, bumaba rin agad. Pero hindi ako lumingon. Diretso ang lakad ko papasok ng mansyon, mabilis ang hakbang kahit nanginginig ang tuhod ko. “Please, listen to me,” humahabol niyang sabi. “Calvin, not now,” malamig kong sagot, hindi man lang huminto. Pagpasok ko sa loob, sinalubong kami ng katahimikan ng bahay. Malinis at tahimik. Pero para sa akin, parang mas lalo lang lumakas ang ingay sa dibdib ko. “Wala kang kasalanan dito,” mariing sabi niya, hinawakan ang braso ko. Mabilis kong hinila ang kamay ko palayo. “Wala akong kasalanan?” mapait akong natawa, pero umiiyak na ulit ako. “Calvin, buntis ako. Tapos ngayon… may ibang buntis din na ex mo? Si Samantha pa talaga.” Natigilan siya. Sa pagtigil niyang iyon lalo a
Read more