MAGKASAMA kami ni Calvin ngayon sa doktor ko. Check ko ngayon, prenatal. Three months na rin ang aking tiyan. Habang nakaupo kami sa clinic, hawak ko ang kamay ni Calvin. Ramdam ko ang kaba niya—hindi lang para sa akin, kundi para sa anak namin. Tinitingnan niya ang bawat detalye sa chart na hawak ng doktor, sabay tanong, sabay ngiti sa akin tuwing may maganda siyang nababasa. “Everything looks good so far,” sabi ng doktor, sabay ngiti. “Heartbeat is strong, at tama ang development ng baby sa tatlong buwan.” Hindi ko maiwasang ngumiti at punan ang mga mata ko ng luha. Ramdam ko ang init ni Calvin sa tabi ko. Hinawakan niya ang aking tiyan nang dahan-dahan, parang sinasabi, we’re in this together. “Parang… totoong-totoo na,” bulong niya sa akin, halos hindi marinig. “We’re going to be parents.” Ngumiti ako sa kanya, ramdam ang matinding saya at takot na sabay-sabay. Tatlong buwan lang, pero ang dami nang nagbago sa buhay namin. At sa kabila ng lahat… ramdam ko, hindi ko na kayang
Read more