DALAWANG araw ang lumipas, hindi na nagpakita si Calvin sa akin. Hindi na siya muling pumunta kina Giselle. Wala rin akong balita sa kanya. Nami-miss ko rin siya. Napabuntong-hininga ako. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung anong mas masakit. Ang galit ko sa kanya o ang pananabik ko na makita siya ulit. "Ano ba ‘yan, Elisa…" mahina kong bulong sa sarili ko habang nakatitig sa kawalan. Hinaplos ko ang tiyan ko, parang doon ko kinukuha ang lakas na unti-unti kong nawawala. "Kaya natin ‘to, baby… kahit wala siya," pilit kong pinatatag ang boses ko, kahit ako mismo hindi kumbinsido. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napalingon ako at bumungad si Giselle, may hawak na isang tasa ng gatas. "Kanina ka pa tahimik ah," ani niya habang lumalapit at iniabot sa akin ang inumin. "Iniisip mo na naman siya, no?" Hindi agad ako sumagot. Tinanggap ko ang tasa at uminom muna bago marahang tumango. "Dalawang araw na, Giselle… kahit isang mensahe, wala. Hindi ko alam kung ano na bang
Read more