Naubos na ang lahat ng lakas ni Luna sa naunang pakikipagbuno. Ngayon, kahit gaano pa kalalim ang poot na kinikimkim niya sa puso, wala na siyang kakayahang lumaban pa. Ang tanging nagawa niya ay hayaan si River na hilahin siya mula sa sahig at isakay sa kotse.Sa buong prosesong iyon, ni hindi siya nagpakita nang kahit anong pagtutol, at wala man lang bahid nang pag-aatubili. Mahigpit lamang niyang hinawakan ang gusot na litrato sa kanyang mga kamay.Ang Kai niya. Ang kawawang anak niya. Sa maikling panahon nito sa mundo, ni minsan ay hindi niya naranasan ang pagmamahal ng ama, kahit isang yakap ay wala man lang itong natanggap. At ngayong wala na siya, kailangan pa rin siyang bastusin nang ganito. Sa isip ni Luna, sino ngayon ang tunay na hindi karapat-dapat tawaging tao?****Sa ospital...“Massimo, ayos lang talaga ako. Gasgas lang ito kaya umuwi ka na muna. Sa tingin ko hindi maayos ang lagay ni Luna ngayon, at nag-aalala rin ako kay Kai,” ani Elisse, at nagpatuloy, “Kapag n
Read more