Share

Kabanata 19

Author: Maureen Green
Naubos na ang lahat ng lakas ni Luna sa naunang pakikipagbuno. Ngayon, kahit gaano pa kalalim ang poot na kinikimkim niya sa puso, wala na siyang kakayahang lumaban pa. Ang tanging nagawa niya ay hayaan si River na hilahin siya mula sa sahig at isakay sa kotse.

Sa buong prosesong iyon, ni hindi siya nagpakita nang kahit anong pagtutol, at wala man lang bahid nang pag-aatubili. Mahigpit lamang niyang hinawakan ang gusot na litrato sa kanyang mga kamay.

Ang Kai niya. Ang kawawang anak niya. Sa maikling panahon nito sa mundo, ni minsan ay hindi niya naranasan ang pagmamahal ng ama, kahit isang yakap ay wala man lang itong natanggap. At ngayong wala na siya, kailangan pa rin siyang bastusin nang ganito. Sa isip ni Luna, sino ngayon ang tunay na hindi karapat-dapat tawaging tao?

****

Sa ospital...

“Massimo, ayos lang talaga ako. Gasgas lang ito kaya umuwi ka na muna. Sa tingin ko hindi maayos ang lagay ni Luna ngayon, at nag-aalala rin ako kay Kai,” ani Elisse, at nagpatuloy, “Kapag n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 100

    Pagkababa na pagkababa ni Elisse mula sa sasakyan, bahagya niyang isinandal ang kalahati ng kanyang katawan kay Massimo, tila takot na hindi mapansin ng iba kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa. Hawak naman siya ni Massimo sa baywang habang naglalakad papasok, ngunit bigla nilang nakita si Luna na papalapit sa pintuan.Nang magtagpo ang mga mata ni Massimo at ang kalahating-ngiti, kalahating-panunudyo na titig ni Luna, may hindi maipaliwanag na kirot na sumundot sa kanyang dibdib. Biglang naging nakakailang ang pagkakahawak niya sa kamay ni Elisse.“Luna, sana huwag kayong magalit,” mahina ang tinig ni Elisse, namumuo ang luha sa kanyang mga mata nang magsalita siya. “Hindi pa po ako nakapunta sa ganitong uri ng selebrasyon. Nakiusap po ako kay Massimo na isama ako. Sobrang nakaka-bagot po sa ospital, kaya gusto ko lang huminga ng sariwang hangin. Hindi ko po alam na narito rin kayo.”Noon, siguradong gagawa ng eksena si Luna, hindi titigil hangga’t may bumigay. Ngunit ngayon, bahag

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 99

    Nagsimula ito sa isang tila napaka-agarang usapin, ngunit nakakagulat, tila hindi na nagmamadali si Massimo. Nakatayo lamang siya roon, tinititigan si Luna nang may pagtataka, hindi maunawaan kung bakit bigla na lamang itong tumigil sa pagiging palaaway sa kanya.Napansin ang pagkalito nito, tumingin din si Ning Luna pabalik sa kanya na may parehong ekspresyon bago kumaway nang tila walang pakialam.“Umalis ka na, huwag mo akong alalahanin.”“Hintayin mo akong bumalik,” sabi ni Massimo, ibinato ang mga salitang iyon bago siya mabilis na lumakad palayo.Habang pinagmamasdan ang papalayong pigura nito, napasinghap si Luna nang may paghamak. Pagkatapos ay lumingon siya kay Filipe na nakatayo malapit.“Ano pang tinitingin-tingin mo? Ihanda mo agad ang sasakyan. Hindi tayo maaaring mahuli,” malamig niyang sabi sa lalaki.“Pero sinabi ni Mr. Alcantara na hintayin ninyo siya…” saad ng lalaki, at naguguluhan. Sa isip niya, kailan pa naging ganito katapang si Madam Luna?Natawa si Luna s

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 98

    Nakaharap sa camera, nanatiling kalmado at mahinahon si Luna, walang bakas ng kahihiyan kahit pa nailantad na ang kanyang mga pribadong bagay, para bang wala siyang kinalaman sa lahat ng nangyayari.Noong una, gusto ni Massimo na makita ang ganitong maunawain at propesyonal na panig ni Luna. Ngunit kung bakit, nang magtama ang kanilang mga mata at makita niya ang malamlam at walang-buhay nitong tingin, isang hindi maipaliwanag na inis ang sumiklab sa kanyang dibdib.Noon, labis niyang kinamuhian ang mga pagkakataong ibinubuhos nito ang buong atensyon sa kanya. Ngunit ngayon, nang wala na ni bakas ng atensyon na iyon, mas mahirap pa para sa kanya na tanggapin ito.“Mrs. Alcantara, ano po ba talaga ang relasyon ni Miss Santiago at ni Mr. Alcantara?” tanong ng isang reporter sa kanya.“Si Miss Santiago ay si Miss Santiago lang. At ako...” tugon ni Luna na may mahinahong ngiti, saka nagpatuloy, “Ako ay si Mrs. Alcantara. Nasa tabi ko si Massimo Alcantara. Hindi ba’t iyon na ang pinakam

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 97

    Ito mismo ang epekto na gusto ni Luna. Hindi na posible para kay Elisse na mamuhay nang payapa ngayon. Matapos ang lahat ng pagpapahirap na ibinigay ni Elisse sa kanila, ginagawa ang buhay nila na mas masahol pa kaysa sa kamatayan, oras na para maranasan niya kung ano ang tunay na pakiramdam ng mga gabing walang tulog.Sa harap ng mga tanong ng mga reporter, dinala ni Luna ng sarili nang may biyaya at kumpiyansa na nakatanggap nang maraming papuri. Ginamit niya ang pagkakataong ito, hindi lamang upang opisyal na ipahayag ang kanyang pagkakakilanlan sa publiko, kung hindi pati na rin upang magbigay nang matibay na pahiwatig na siya ay isang may kakayahan at natatanging babae.Para kay Luna, ito ay isang pagkakataong minsan lang dumarating sa buhay. Gusto niyang malaman ng buong mundo ang kanyang pangalan. Siya si Luna Salazar at hindi ang isang nakakatawang ibong nakakulong na ginang ni Mr. Massimo Alcantara.Habang pinapanood kung paano niya kinokontrol ang sitwasyon at ginagabayan

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 96

    "Talaga ba? Ito ay isang runway piece na isinusuot lang ng isang international supermodel. Paano naging mumurahin iyon?"Napairap si Luna sa kanyang narinig, hindi tinanggap ang tangkang pangmamaliit ni Massimo at nagpasabog pa ng banat pabalik sa kanya.Hindi pa ito nangyari noon. Dati, kung ano man ang sabihin ni Massimo, iyon na ang nasusunod. Kahit paulit-ulit siyang pagdiskitahan ni Massimo, hindi siya lumalaban. Sa halip, iniisip pa niya kung may mali ba siyang nagawa.Pero hindi na ganoon kahangal si Luna ngayon. Alam na alam niyang wala siyang nagawang mali. Hindi siya kailanman nagkamali, sapagkat mali lang talaga ang taong nasa tabi niya kaya siya minamaliit.Kahit ang mga stylist kanina ay hindi matapos sa papuri sa kanyang ayos, pero ang lalaking ito lang ang nakakunot ang noo, sinasabing hindi daw angkop at maganda. Sa isip ni Luna, ano'ng klaseng malaswang panlasa iyon, at ang pangit ng mood na dala niya.Hindi inaasahan ni Massimo na ang salitang binitiwan niya ay s

  • The Ruthless Billionaire's Ex-Wife's Revenge   Kabanata 95

    Matapos ang isang simpleng pag-aayos ng makeup, naging mas maayos at walang kapintasan ang anyo ni Luna. Tiningnan ni Ralph ang sariling gawa niya na may lubos na kasiyahan sa kanyang mukha.Kahit bihasa ang mga makeup artist, mas gusto pa rin nila ang mga kliyenteng may natural na maayos na basehan ng kagandahan. Mas madali kasing pagandahin ang likas nang maganda kaysa baguhin ito nang buo. Nakatitipid ng oras at lakas, at mas maganda pa ang resulta.Ang pinakamataas na antas ng makeup ay iyong parang walang kahit anong inilagay, ngunit banayad na binabago ang kabuuang anyo ng tao.Samantala, tinitigan naman ni Ning ang sarili niyang repleksyon sa salamin at natawa nang mapait. Noon, mahilig siyang magsuot ng matingkad na kulay, pero mula nang makasama niya si Massimo, palagi nitong pinupuna ang kanyang ayos bilang isang baduy. Unti-unti, nagsimula siyang sumunod sa gusto nito, nagsusuot ng lawlaw at laos na mga kulay para lang mapasaya siya. Ngayon, napagtanto niyang hindi na niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status