ANASTASIA “Kamusta kayo? Pasensya na, ngayon ko lang kayo na bisita.”May bahid ng lungkot ang mukha ko habang nakaupo ako sa isang sofa na nasa loob ng silid ni Anya. Nakaupo silang dalawa sa katapat kong sofa at ngiting-ngiti na nakitingin sa akin. “Ano ka ba, Ma'am Ei—”“Tasia, you guys can call me Anastasia,” pagpapakilala ko sa totoong pangalan na mayroon ako. Nagsalubong naman ang kanilang mga kilay. “Huh? I mean, hindi po ba Dereiri ang real name mo? 'Yan kasi ang alam namin at palagi naming nakikita sa mga info mo,” sabi ni Anya.Ako naman ang nangunot ang noo ngayon dahil sa pagtataka. Parang gusto kong matawa dahil sa name na sinabi niya.“Totoo ba? Dereiri ang kumakalat na name ko?” natatawa kong tanong. Tumango naman sila. “Oo, it makes sense naman since Ei ang palayaw mo.”“Yep!” pagsangayon ni Anya kay Silvia. “Kaya nagtataka kami kung saan galing ang Anastasia? Second name mo ba?”Matamis na ngumiti lang naman ako sa kanila. “Anastasia Farrales, that's my real name.
Huling Na-update : 2025-09-29 Magbasa pa