ANASTASIAImbis na mainis, ay napangisi lang naman si Travis sa akin. “You're expecting me to die? Well... flash news, Tasia. I'm still alive and kicking.” Kinindatan niya pa ako. “Try hard next time.”Hindi napawi ang ngisi sa labi ko. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang lakas ng loob niya ngayon. Hindi ko rin naman kasi talaga alam kung ano ang totoong nangyari sa pagitan nila ni Kirill. But seeing him again here? Nakakakulo pala ng loob, lalo na't pisikal niya akong sinaktan noon.“You should go, Travis. Baka hindi ka matantya ni Kirill,” babala ko sa kanila. Pinaglalaruan ko pa ang shot glass na hawak kong mayroong pang lamang alak. Naroon na kasi ang atensyon ko, wala na kay Travis. “Why? Papatayin niya ba ako in public? The hell I'm scared of?” mayabang niyang tanong. Mas lalo akong napangiti at nag-angat na ng tingin sa kaniya. Tinaasan ko pa siya ng kilay. “I am warning you, as someone who knows him more than you do.”Hindi ko pinutol ang titigan naming dalawa. Talag
Last Updated : 2025-09-24 Read more