ANASTASIA Habang sinisimulan ni Carla ang paglalagay ng primer sa mukha ko, ramdam ko ang dahan-dahang pag-ikot ng brush sa balat ko. Malamig ang gel texture, pero ang gaan sa pakiramdam. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang masusi na ekspresyon ni Carla. Para siyang isang pintor na handang gumawa ng obra maestra gamit ang mukha ko. “Ma'am, flawless ang skin texture niyo. Sana all!” biro niya habang pinapahigis heart pa ang sarili niya sa hangin. Napatawa ako, pero agad niyang sinaway. “Wag po galawin ang lips, ma'am. Baka mag-smudge.”Sa gilid naman ang ay beki na ang pangalan daw ay Shawy. Ang hairstylist na mat neon pink na undercut hair. Abala siyang inaayos ang mga gamit na gagamitin niya. May dala-dala siyang portable steamer at curling iron na mukhang high-tech. “Ma'am, since simple lang ang makeup look, suggest ko voluminous waves para balance. Para kang modern-day Maria Clara meets Hollywood royalty. Charot!” napaka-jolly na sabi niya. Natawa naman ako. “Go lang! Bas
Last Updated : 2025-09-21 Read more