ANASTASIA “So, anong niluluto mo, Val?” agad na tanong ko kay Valya nang makapasok ako sa kusina. Katatapos ko lang mag-half bath, at naamoy ko kaagad na mayroong nagluluto kaya naman ay dumeretso na ako dito. Nakita ko rin sina Kirill at Hyacinth na busy at seryoso ang usapan sa may salas, at wala naman akong plano na istorbohin sila. “Chicken curry,” sagot niya sa akin habang naghihiwa siya ng patatas. “Ako na, tutulong na rin ako,” presinta ko naman at kinuha mula sa kaniya ang kutsilyo. Napangiti naman si Valya bago ay inaasikaso na rin ang iba pang ingredients ng plano niyang lutuin. Oh diba? From inihaw na liempo, to chicken curry real quick. Cravings ko pa man 'din yon, pero ok lang naman since maganda rin naman ang plano for tomorrow. Pasimpleng kong tinignan si Valya, may kakaibang ekspresyon sa mukha niya kaya agad kong binasag ang katahimikan. “Val... may problema ka ba?” tanong ko kaagad sa kaniya. Napapitlag naman siya sa gulat dahil mukhang hindi niya inaa
Last Updated : 2025-10-20 Read more