Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNang makarating ako sa office ni Helios, pasimple kong inilibot ang aking mga mata sa paligid. Wala namang nagbago rito, pero siyempre ay iba pa rin kasi kung kasama ko mismo si Helios.Nang lumingon ako sa gawi ni Darius, nanatili lang siya sa pinto. Parang nagbabantay lamang, at ayaw lumabas ng office ni Helios. Kung sabagay nga naman, nagiging mahigpit na sila, dahil sa nangyari kanina.Ang weird lang, dahil kahit naglalaro lamang sila, mabilis lang gumalaw ang security ni Helios. Sino ba ang mag-aakala na halos wala pang isang oras nang iwan namin sila roon ay malalaman kong nasa biyahe na sila papunta rito?“Gutom ka?” tanong nito sa akin gamit ang pormal na boses.Umupo naman ako sa single sofa, at napakunot na lamang ng aking noo. Paanong magugutom ako matapos ang mga nangyari kanina? Pakiramdam ko ay hindi ko na magagawang kumain pa, dahil sa mga nangyayari.Ultimo nga siguro matulog, hindi ko na magagawa pa. Paulit-ulit ‘yon sa aking
Last Updated : 2025-11-23 Read more