Lewis POVSA pagsapit ng umaga, panay ang tingin ko sa aking orasan habang hinihintay si Mico."Anak, wala pa ba si Mico? Mala-late ka na sa office, ah?" sambit ni mommy nang makita niya akong balisa.Hindi ko alam kung bakit, ngunit kanina pa ako hindi mapakali. Madalas kasi, mas maaga pa sa akin dumadating si Mico, ngunit ngayon, hanggang ngayon ay wala pa rin siya."Sinubukan mo na bang tawagan, anak?" muling tanong sa akin ni mommy.Lumingon ako sa kanya, nakita kong nag-aayos sila ni tita Andy ng lamesa dahil katatapos lang naming kumain. Lumakad ako at umupo sa sofa, saka muling tiningnan ang relo ko."Opo, mommy. Tinawagan ko na siya kanina pero hindi niya sinasagot ang phone. Iniisip ko baka nagda-drive na kaya hindi ko na kinulit. Kaso ilang oras na kasi, wala pa rin siya. Ano kayang nangyari roon?" kinakabahan kong sambit.Lumapit sa akin si mommy, umupo siya sa aking tabi at hinawakan ang aking balikat."Huwag kang mag-alala, anak. Baka parating na 'yon," pagpapalakas ni mo
Huling Na-update : 2025-08-19 Magbasa pa