Lewis POV "Saan mo naman napulot ang kalokohang 'yan?" natatawang tugon sa akin ni uncle. "H-Hindi ko alam. Naisip ko lang siguro? Kasi kung ganoon nga, hindi ba mas magiging madali para sa atin ang lahat?" "Listen to me, Lewis. Walang bagay na madali sa mundo." Marahang binitiwan ni Vlad ang paghawak niya sa aking baywang, saka tumungo sa lamesa namin at kinuha ang kanyang wallet. "Anyway, let's go. Ihahatid na kita, Lewis. Baka hanapin ka na nila," muling sambit ni Vlad na tila hindi naman sinagot ang tanong ko. Sa buong byahe, nanatili kaming tahimik. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong kakaiba at natahimik na lang siya nang ganoon. Kinabukasan, parang walang nangyari na pumasok kami sa opisina, tinupad niya ang kanyang sinabi na susunduin niya ako at ganoon pa rin ang reaksyon nina mommy at daddy, hanggang ngayon, nagtataka pa rin sila. *** Sa loob ng opisina, habang iniisip ko ang mga nangyari kagabi, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Hawak ko sa aking daliri a
Last Updated : 2025-08-12 Read more