Lewis POVKUNOT ang noong tinitigan ko ang litrato. Kamukha nga ng babaeng ito si Uncle. Kung ganoon? Magkapatid si uncle at daddy sa ama?Ang mga bagay ay hindi tumutugma sa aking isip. Muli akong tumingin kay daddy at maya-maya lang, kinuha na niya ang hawak ko. Naramdaman ko ang kanyang kamay nang ihawak niya ito sa aking balikat."Masiyadong komplikado ang mga bagay na tungkol sa amin ng uncle mo, anak. Huwag mo nang masiyadong isipin 'yan, ha? Sige na, mag-ayos ka na at baka ma-late ka sa trabaho," sambit ni daddy "S-Sige po, dad," tugon ko kahit maraming bagay ang nais kong itanong sa kanya.***SA PAGDATING ko sa building ng Grayson Corporation, tulala pa rin ang aking mga mata at bahagyang napapailing dahil sa mga bagay na iniisip."I don't get it. Pero bakit iba ang surname ni daddy sa surname ni Uncle kung pareho sila ng ama? Then iba ang mommy ni uncle sa mommy ni dad?"Mabilis kong iniling ang aking ulo at pilit na inalis ang mga bagay na iniisip ko.'Focus, Lewis. Focus!
Huling Na-update : 2025-08-09 Magbasa pa