Lewis POVMAKALIPAS ang dalawang linggo, sa wakas ay nakakuha rin ako ng lakas ng loob na bumalik sa opisina."Good morning, Ms. Lewis," pagbati sa akin ng mga empleyado sa building.Ngumiti ang aking labi. Na-miss ko rin ang ganitong treatment sa akin ng mga tao, tila na-miss din ako ng mga ito at nakatutuwang isipin na kahit paano, naging magaan ang pakiramdam ko.Sa pagpasok ko sa loob ng aking opisina, nakita ko na halos hindi na magkanda-ugaga si Trisha sa pagsagot ng telepono."Y-Yes, Sir. Papasok po siya ngayon. Yes po!" narinig kong sambit niya saka binaba ang telepono.Maya-maya lang, muling tumunog ang isa pang telepono at agad niya itong sinagot."Hello? Si Ms. Lewis. She's still on leave po, pero as she said, she will try to come to the office today," muling paliwanag ni Trisha sa kanyang kausap at muling binaba ang teleponong iyon.Maya-maya lang, sa paglingon niya sa aking kinaroroonan, nanlaki ang mga mata niya nang makita niya akong nakatayo lamang sa may pinto."Gaga
Last Updated : 2025-08-26 Read more