Nang makababa sa sasakyan ang mag-amang Yael at Gael, biglang nag-ring ang cell phone ni Yael.“Gael, anak… sandali lang ha? Sasagutin ko lang ‘to,” paalam ni Yael sa kaniyang anak saka niya dali-daling pinindot ang answer button.“Sige po, daddy. Dito lang po ako.”Tumalikod na muna si Yael at bahagyang lumayo sa kaniyang anak.Si Gael naman ay nanatiling nakatayo lang sa p’westo kung saan siya iniwan ng kaniyang ama. Habang naghihintay, napansin niya ang mag-inang dumaan sa harap niya. Habang pinagmamasdan ni Gael ang mag-ina, nakaramdam siya ng matinding lukso ng dugo.“Dahil birthday mo ngayon, anak… anong gusto mong kainin?” tanong ni Mona sa anak niyang si Liana. “Gusto ko po ng fries, ice cream and fried chicken, mama.”Ngumiti si Mona. “Gusto mo ng fries, ice crema at fried chicken? Okay! Sagot na ni mama ang lahat ng ‘yon.”Tumalon sa tuwa si Liana. "Yehey! Maraming salamat po, mama! The best ka po talaga!”“Anything for my baby girl." Hinaplos ni Mona ang buhok ng anak ni
Last Updated : 2025-11-18 Read more