“That lady’s daughter looks like your first love, daddy!” Gael repeated.Napatitig si Yael sa kaniyang anak. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman noong sandaling iyon. Ang puso niya’y parang may nagkakarerang mga kabayo sa sobrang bilis ng tibok nito.‘That’s impossible! Hindi p’wedeng maging si Luna ang babaeng ‘yon. Oo, ang mga mata niya’y kahawig ng mga mata ni Luna ngunit magkaibang-magkaiba sila. Sa kilos pa lang at pananalita ay magkaibang-magkaiba na sila. Marahil ay may hawig lang talaga ang batang ‘yon kay Luna,’ piping turan ni Yael sa sarili. “Daddy, where is your first love? Nasaan na po siya at saka bakit hindi po kayo nagkatuluyan? Did she die?” tanong ni Gael. Biglang nasamid si Yael. Hinihimas niya ang kaniyang dibdib. “Anak naman. Hindi siya namatay. She just went abroad.”“Why didn't you chase her, daddy? Kung talagang mahal mo siya, dapat ay hinabol mo po siya. ‘Di ba ang turo mo po sa akin ay chase what you love?”“But that doesn’t apply to everythin
Last Updated : 2025-11-24 Read more