“Bakit mo tinatakpan ang bibig mo?! Anong problema? Anong ginawa ng Livina na ‘yon? Yael, huwag mo siyang pagtakpan. Hindi kita pinalaking ganiyan. Huwag mong i-tolerate ang hindi tamang gawain.”Tumikhim si Yael. Kamot ulo niyang ikinuwento sa kaniyang ina ang tungkol sa bago niyang kumpanya kahit pa kaharap nila si Gael. “I have a newly built company, Mommy Freya. Well, sa tulong na rin po ni Tita Diana since she decided to focus on her businesses abroad. Nakiusap po siya sa aking buhayin kong muli ang fashion industry rito sa Monte Carlos,” panimula ni Yael."Did Diana really close her clothing stores here?” Freya asked with her eyes wide open."Not yet, mommy but she's planning to close all of her stores next month. Doon na raw po sila mag fo-for good nina Tito Hulyo sa ibang bansa. She can't supervise her businesses here so she made a brave decision."“Sayang naman. Napakaganda pa naman ng reputasyon ng clothing line niya rito. Isa pa, p'wede naman siyang mag outsourcing. Kumuha
Last Updated : 2025-11-28 Read more