“Miss, I’m done!” Nang matapos sagutan ni Gael ang kaniyang test paper ay iniangat niya ito at inabot sa kaniyang guro. Ikinagulat naman nito ang ginawa niya dahil halos wala pang isang oras ang lumipas ay tapos na kaagad siya sa kaniyang exam.“Okay, let me see it.” Isa-isang sinuri ng guro ang bawat sagot ni Gael. Matapos ang mabilisang pag-scan ng test paper ng kaniyang estudyante ay agad na gumuhit ang malapad na ngiti sa labi niya nang mapagtanto niyang tama ang lahat ng sagot nito sa kaniyang ibinigay na pagsusulit. “Quite impressive. Your son got a perfect score, Sir Yael!”Dahil sa sobrang tuwa ay napatayo si Yael. Pumalakpak pa siya dahil sa pagkamangha niya sa naging resulta ng exam ng kaniyang anak. “Very good, Gael! You’ve passed your exams, and as I promised, your design class will start tomorrow.” “Thank you, daddy!” masayang sambit ni Gael.Tumango si Yael sa kaniyang anak, pagkatapos no’n ay humarap naman siya sa guro nito. “After this exam, ano na po ang kasunod, m
최신 업데이트 : 2025-12-06 더 보기