“He wants us to fly back to the Philippines or he will bring you here in Dubai. Pero sabi namin mas maa-appreciate mo kung kayo lang dalawa.” Totoo iyon. Para kasi kay Mihrimah, mas intimate ang proposal kung ang dalawang taong magpapakasal lamang ang naroroon. “Where’s Altero, by the way?” Eksakto naman bumukas ang pinto. Pumasok ang Espanyol, kumikislap ang mga mata sa saya. H umalik agad sa ulo niya at pabulong na nagsalita. “Did you like the flowers?” Pagkagising niya kanina, may malaking pumpon ng rosas sa higaan. “I love it. Mama and Daddy are looking for you.” Isinilip naman ni Altero ang mukha sa screen pagkatapos ay nagmamayabang na tumingin sa kanya. “You mean, our Mama and Daddy?” Humalakhak ang Mama niya sa kabilang linya, tila nawala pa ang antok nito. Kinurot niya naman si Altero sa tagiliran dahil ang yabang-yabang ng ngisi. Ilang sandali lang ay nagpaalam na siya sa mga magulang. Altero cupped her face and gave her a hot searing kiss. “I’m in love you,
Mehr lesen