Kinabukasan, maaga ring nagising sina Ysabel at Leonardo. Habang bumubungad ang mainit at gintong sikat ng araw sa lungsod ng Florence, ramdam ni Ysabel ang kakaibang excitement. Pagkabukas niya ng bintana ng kanilang villa, sumalubong sa kanya ang tanawin ng mga bubungan na gawa sa terracotta, ang mga kampana ng simbahan na tila nag-uumpisa ng panibagong araw, at ang amoy ng sariwang tinapay mula sa malapit na bakery. “Buong gabi akong nakatulog ng mahimbing,” bulong niya sa sarili, bahagyang napapangiti habang naaalala ang halik ni Leonardo sa ilalim ng mga bituin kagabi. “Good morning, bella mia,” bati ni Leonardo, nakasuot ng simpleng navy blue shirt at maong pants, hawak ang dalawang tasa ng mainit na kape. “Are you ready for today? Cooking class in Florence, remember?” “Yes,” nakangiting sagot ni Ysabel, sabay kuha ng tasa. “Pero please… no embarrassing moments today, okay?” “Depends,” nakangisi niyang sagot. “Kung maganda ang view, baka distracted ako.” Pinisil ni Ysabel
Last Updated : 2025-09-10 Read more