Tahimik ang hapon sa mansion ng mga Verano. Sa malawak na hardin, nagkakape sina Ysabel kasama ang kanyang mga magulang na sina Victor at Zenaida. Mas nagiging maaliwalas na ang pakiramdam nila sa bagong tirahan, at para kay Ysabel, unti-unti na siyang nagkakaroon ng buo at masayang pamilya. Pero ang katahimikan ay naputol nang may dumating na sasakyan. Bumaba mula rito ang isang babaeng elegante, suot ang mamahaling bestida, pero halatang may mabigat na iniisip. Si Doña Elvira Verano, ina nina Leonardo at Andres. Pagpasok niya sa sala, agad niyang hinanap si Leonardo. “Leonardo,” seryoso ang tono ng boses niya, “Ano itong narinig ko? Nag-away kayo ng kapatid mo, at pati asawa mo nadadamay? Hindi dapat umaabot ng ganyan.” Bahagyang nanigas ang panga ni Leonardo. “Ma, hindi ko sinimulan ‘yon. Si Andres ang paulit-ulit na binabastos si Ysabel. Hindi ko hahayaang gawin niya ‘yon. Kahit kapatid ko pa siya, may hangganan ang lahat sa mga ginagawa niya.” Napatungo si Ysabel, ramdam a
Last Updated : 2025-08-30 Read more