“HINDI KA PUWEDENG ma-stress, Ms. Jaela,” dinig ni Flint na ani ng babaeng doctor kay Jaela habang chini-check-up ito.Siya naman ay nakaupo lang sa isang tabi na parang walang pakialam. Pero dahil naroroon siya sa silid na ‘yon kasama ang mga ito, ay malakas at malinaw niyang naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa.Ayaw sana niyang sumama roon sa loob, pero mapilit si Jaela. Kaysa maubos ang oras sa pakikipagmatigasan dito, ay pinili na lang niyang pagbigyan ito. Total, ilang oras lang naman siyang maghihintay dito.“Iyon na nga ang sabi ko rito sa asawa ko, Doc,” sagot ni Jaela sa doctor kasabay ng pagtingin sa kanyang direksyon.“Bakit, ini-stress ka ba ng asawa mo, Ms, Jaela?” tanong naman ng doctor at binigyan din siya nito ng madaliang sulyap.“Ah, h-hindi naman po sa ganoon, doc. Iyan kasing asawa ko na ‘yan, ay sobrang busy. Mabuti nga at nagawa niya pa akong masamahan dito sa clinic mo para sa checkup ni baby.”“Ah. Normal naman ‘yon sa mga taong may business. Advice ko na lan
Last Updated : 2025-10-28 Read more