BIGLA ANG pagbundol ng kaba sa dibdib ni Xyza nang mismong sa tapat niya tumigil ang sasakyan. Pero nakahinga siya ng maluwag nangg mapagsino ang sakay nito nang bumukas ang salamin ng bintana.“J-Jared?” kunut-noong tawag niya sa pangalan ng lalaki.“Xyza! Dederetso na sana ako sa bahay ninyo, kaso nakita kita rito sa labas kaya hinintuan na kita,” sagot nito. “Si Flint nga pala, nariyan ba siya o nasa firm? Kahapon pa kasi ako tawag nang tawag sa kanya, pero kung hindi naman niya sagutin ang tawag, minsan naman ay nakapatay ang cellphone niya. May importante kasi akong sasabihin sa kanya, kaya minabuti kong puntahan na lang siya,” dugtong pa nito.“Naku, halos pare-pareho pala tayo ng problema sa kanya, eh. Kasi, halos tatlong araw na siyang hindi umuuwi sa bahay ng walang pasabi. Kapag naman tatawagan namin, hindi naman siya sumasagot. Napakahirap naman lalo na sa sitwasyon ko kung ano ba talaga ang dahilan ng biglaan niyang pagbabago. Ayaw naman niyang magsabi, so, paano ko siya m
Terakhir Diperbarui : 2025-11-02 Baca selengkapnya