“KUNG SA INAAKALA mo ay madadala mo ako sa pagdadrama mo, pwes, nagkakamali ka!” balik sa kanya ng ina.“Hindi ako nagda-drama, mom. Lahat ng sinasabi ko ay totoo. Bakit kasi hindi mo na lang ako suportahan sa kung paano kita sinuportahan dati, ha? Mahirap ba ‘yon, mom?”“Dahil magkaiba tayo ng sitwasyon!”“Paanong naging iba? Dahil lang ba sa naging anak ni Daddy Alfredo si Flint? Kaya bawal na kaming magmahalan at magkaroon ng relasyon?”“Oh, alam mo naman pala ang sagot, eh, bakit tila naguguluhan ka pa?” sarkastiko nitong sambit.“Mom, nakakapagod din pala ang makipag-away lalo na kung tungkol lang naman sa mababaw na dahilan. Sana, dumating ang oras na maisip mo na suportahan mo ako at intindihin sa pinagdaraanan ko ngayon, katulad noon kung paano kita sinuportahan at inintindi. Mahirap at matagal ang proseso, pero dumarating din sa punto na matatanggap mo rin ang kasalukuyang sitwasyon.”“Huwag mo akong pangaralan na parang ikaw ang ina rito at ako ang nagkasala!”“Hindi ako nagk
Last Updated : 2025-11-20 Read more