Share

Chapter 92

Author: Serene Hope
last update Huling Na-update: 2025-10-09 21:14:05
“HUWAG MONG PANSININ ang sinasabi ni kuya Flint, kuya. Gino-good time ka lang niyan, eh!” pagdadahilan ni Jaela sa kapatid habang may matabang na ngiti sa mga labi.

“Please, Jaela!” malakas na sambit ni Flint sa dalaga. Pero hindi iyon tunog pakiusap, kundi tunog nauuyam at napipikon.

“Sabihin mo na para matapos na! Ano pa ba ang silbi ng paglilihim mo kung malalaman din naman niya bandang huli? Naririto lang din naman tayo at magkakaharap, so bakit hindi mo pa sabihin?” dugtong pa niya.

Kung puwede nga lang na siya na mismo ang magsabi kay Jared ay ginawa na niya. Pero gusto niyang si Jaela mismo ang umamin sa kuya nito.

“Jaela! Ano ba ‘yon? Bakit hindi mo sabihin?” tanong ni Jared sa kapatid. “May hindi ba ‘ko nalalaman tungkol sa inyong dalawa?” dugtong pa nito na punong-puno ng pagdududa.

“Okay, fine! Dahil pinagkakaisahan niyo rin naman ako!” tila ito pa ang may ganang magdabog sa sariling kagagawan.

“Buntis ako, kuya. At si Flint ang ama,” taas-noo nitong sambit sa kapatid na til
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
palapuzrea
Ang tgal tlga ng updte nito
goodnovel comment avatar
Iemiem Zinetrim Azni
nabasa kuna to sa pocket books
goodnovel comment avatar
Kathleen Lopez
walang update ni author
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 137

    MAKALIPAS ANG LIMANG TAON…“Beeesty!” dinig niyang sigaw ni Cyla mula sa labas ng kanyang opisina.Kasalukuyan siyang nagre-review ng mga sketches ng junior designers para makapagbigay na rin siya ng revisions kaya naka-focus siya sa ginagawa.Iyon ang trabaho ng isang senior fashion designer, isang posisyon na special na ibinigay ni Cathy sa kanya matapos siyang magkaroon ng halos tatlong taong experience bilang lead fashion designer sa clothing industry nito, at isa na rin sa dahilan ay dahil malakas siya rito.Tiwalang-tiwala ito sa kakayahan niya, kaya walang pagdadalawang-isip na ibinigay sa kanya ang posisyong sabi nga nito, ay deserve na deserve niya.Well, tama naman ito!Dahil ang posiyong ibinigay nito sa kanya ay pinaghirapan niya. Puyat, pagod at sakripisyo ang ipinuhunan niya para hindi siya maging unfair dito.Gusto niyang iparamdam kay Cathy na hindi ito nagkamali sa pagpili sa kanya. at gusto rin niyang ipakita rito na kayang-kaya niyang i-handle ang trabahong itinalaga

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 136

    NAKAPANGALUMBABA si Xyza sa bintana ng kinaroroonan niyang silid, habang malungkot na nakatanaw sa mga malalago at makukulay na mga iba’t ibang klase ng bulaklak sa hindi kalayuan.Isang buwan na ang nakalipas, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat ng sakit na naranasan niya sa tuwing sasagi sa isipan niya ang dahilan kung bakit siya naririto ngayon sa U.S.Mabuti na lang at kasama niya si Cyla kaya hindi siya masyadong nahihirapan sa buhay at hindi rin kinakain ng matinding lungkot at pangungulila sa kanyang ina, lalong-lalo na sa kanyang ama na hindi na niya magawang madalaw ang puntod dahil napakalayo na niya.Kapag kasi nakikita siya nitong malungkot, gumagawa talaga ito ng paraan para mabaling sa iba ang atensyon niya.Kung anu-ano na lang ang naiisip nitong paraan, matulungan lang siya sa lungkot na pinagdaraan. Katulad na lang ng yayayain siya nitong manood ng movie, mamasyal, mag-shopping, at kung anu-ano pa na labis naman niyang naa-appreciate.Pag-aari ng mga ito ang

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 135

    NAGSIMULA na si Flint sa paghahanap kay Xyza.Well, hindi lang naman siya, pati na rin sina Glenda at ang ama niya.Lahat ng mga alam nilang kaibigan, kaklase, at maging mga kamag-anak nina Xyza ay pinuntahan nila at pinagtanong ang dalaga kung nagawi man lang ba ito sa kanila o nakipanuluyan.Pero tanging pag-iling at ang salitang “Hindi, eh!” o kaya naman kibit-balikat ang natatanggap nila sa mga ito.Halos mag-iisang buwan na rin silang ginagawa iyon.Nakakapagod man, pero kailangan nilang magpatuloy sa paghahanap sa dalaga.At ang huli nga niyang naisip na puntahan ay ang bestfriend nitong si Cyla, personal pa talaga niyang pinuntahan ang bahay nito para ito mismo ang makausap niya.Nasisiguro niyang kahit paano ay may alam ito sa kinaroroonan ni Xyza dahil alam niya kung gaano ka-close ang dalawa, kaya naman hindi na siya nag-atubili pa.“Sino po ang kailangan ninyo, Sir? At sino po kayo?” tanong sa kanya ng isang may edad na katulong nung mapagbuksan siya.Alam niyang katulong it

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 134

    MALULUTONG na mga halakhak ang pinapakawalan ni Jaela mula sa loob ng kanyang kwarto.Sa oras na iyon ay alam niyang nagngingitngit na sa galit ang malditang si Xyza dahil sa mga larawang ipinadala niya rito kung saan sila ni Flint ang naroroon, o baka nga kabaliktaran ang nangyayari.Siguro, kung hindi man sukdulan ang galit nito ngayon, ay baka naglulupasay na iyon dahil sa labis na selos at galit sa kanilang dalawa ng binata.Well, kahit alin pa man sa dalawa ang maaaring maging reaksyon ng Xyza na iyon, ay wala na siyang pakialam, basta ang importante sa kanya ay masira ng tuluyan sa mga mata nito ang binata.Kung hindi lang kasi nakialam ang pakialamero niyang kuya, di sana ay masaya pa siya ngayon habang pinagsisilbihan ni Flint dahil hindi naman nito malalaman ang pagkukunwari niya.Kaya dahil wala na siyang choice at nabuking na siya nito at mukhang malabo na ring balikan pa siya kahit pa ano ang gawin niya, eh sisirain niya na lang ito kay Xyza nang sa ganoon, ay hindi na mag

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 133

    MATAPOS inumin ni Xyza ang isang baso ng tubig na iniabot sa kanya ng kaibigan, ay naramdaman niyang medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sinabayan pa ng pagpaparamdam ng mag-ina ng pag-aalala at pagdamay sa kanya, kaya naman kahit paano ay nakahinga na siya ng maluwag.Pagkatapos ay dinampot niya ang cellphone at walang imik na iniabot iyon sa mag-ina.Para kasing ayaw bumuka ng bibig niya para magsalita kahit na medyo ayos naman na ang kanyang pakiramdam.Nakakunot-noo at nagtataka namang inabot iyon ni Cathy.Nakabukas naman iyon kaya madali lang na makikita ang gusto niyang ipakita sa mga ito.Nakidungaw na rin si Cyla sa ina habang tinitingnan nito ang screen ng kanyang cellphone.Ilang segundo lang ang lumipas ay nakita niyang sabay na napatutop sa bibig ang mag-ina kasabay ng malakas na pagsinghap, nanlalaki rin ang mga mata ng dalawa.“B-Besty, i-ito ba ‘yong d-dahilan k-kung b-bakit ka u-umiiyak ng ganyan?” kandautal na tanong sa kanya ni Cyla na para bang hindi makapaniwala

  • A Stepbrother's Burning Desire   Chapter 132

    YUMUYUGYOG ng malakas ang mga balikat ni Flint dahil sa pag-iyak.Hindi niya akalaing mas masakit marinig sa pangalawang pagkakataon ang mga hinanakit sa kanya ni Xyza, lalong-lalo na ang pagpapaalam nito.Pero ang ipinagtataka niya, bakit tila galit na galit ito kanina at parang gigil na gigil na hindi niya maintindihan?May nangyayari na naman ba na hindi niya alam?Nawala ang mga bagay na iniisip niya nang bigla siyang dinaluhan ng mag-asawa.“A-anak, Flint. I-I’m so sorry, kung hindi dahil sa ‘kin ay hindi ito mangyayari. Masaya sana kayo ngayon ni Xyza habang magkasama, hindi malungkot at nag-aaway habang magkahiwalay,” malungkot na paghingi sa kanya ng tawad ni Glenda habang umiiyak.“M-mommy, huwag niyo na pong sisihin ang sarili niyo. Nagalit man kayo o hindi sa ‘min noon, mangyayari pa rin po ito dahil may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya. Naglihim ako at itinaboy siya palayo na para bang siya pa ang may kasalanan, kaya siguro, deserve ko naman ‘tong sakit na nararamd

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status