“SABAGAY, may point ka naman, bro. Gusto ko rin naman makaranas ng bakasyon at makapag-relax kahit one week man lang. Puwede ko namang ihabilin kay Jenni ang mga maiiwang trabaho ko rito,” sambit niya.“Yooown!” masayang sambit ng kaibigan niya, napapitik pa ito sa hangin.“Kaso, wala akong lugar na naiisip kung saan ako puwedeng mag-unwind,” ani niya.“Ano ka ba?! Magbibigay ba ‘ko ng suggestions sa ‘yo kung hindi ko maipo-provide ‘yang pinoproblema mo?” masayang sambit nito.“Talaga lang, ah? At saka, hindi puwedeng mag-isa lang ako, dapat sasamahan mo ako.”“Aba’y dapat lang, at wala akong karapatang tumanggi dahil halos ikaw na ang sumasagot sa halos kalahati ng mga gastusin namin sa bahay. Naroroon naman si Jaela, at saka, hindi pa naman siya nakakahanap ng trabaho, kaya sa kanya ko na muna iiwanan si mommy.”“So, saang lugar naman ‘yang pinagmamalaki mo sa ‘kin, ha?”“Gusto mo ba ng parang nature type? Probinsiya kasi ‘yong pupuntahan natin. Maganda roon, titira tayo sa kubo sa
最終更新日 : 2026-01-27 続きを読む