YUMUYUGYOG ng malakas ang mga balikat ni Flint dahil sa pag-iyak.Hindi niya akalaing mas masakit marinig sa pangalawang pagkakataon ang mga hinanakit sa kanya ni Xyza, lalong-lalo na ang pagpapaalam nito.Pero ang ipinagtataka niya, bakit tila galit na galit ito kanina at parang gigil na gigil na hindi niya maintindihan?May nangyayari na naman ba na hindi niya alam?Nawala ang mga bagay na iniisip niya nang bigla siyang dinaluhan ng mag-asawa.“A-anak, Flint. I-I’m so sorry, kung hindi dahil sa ‘kin ay hindi ito mangyayari. Masaya sana kayo ngayon ni Xyza habang magkasama, hindi malungkot at nag-aaway habang magkahiwalay,” malungkot na paghingi sa kanya ng tawad ni Glenda habang umiiyak.“M-mommy, huwag niyo na pong sisihin ang sarili niyo. Nagalit man kayo o hindi sa ‘min noon, mangyayari pa rin po ito dahil may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya. Naglihim ako at itinaboy siya palayo na para bang siya pa ang may kasalanan, kaya siguro, deserve ko naman ‘tong sakit na nararamd
Last Updated : 2025-12-13 Read more