Napatawa si Sammy, parang napasinghap pa. “Kahit ikaw, akala mo lalaban ako pabalik, ’di ba? Pero mali ka. Kung ako ngayon ’yon, I swear, hindi ako magdadalawang-isip. Lalaban ako agad, hindi ko siya pagbibigyan. Pero ewan ko ba, noon… hindi ko talaga kaya. Alam ko naman sa sarili ko na kung ginantihan ko lang siya, kahit isang tuhod lang pabalik o isang sampal, kaya ko naman. Pero natakot ako. I just couldn’t do it.”Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “Sa tingin ko, ganun din si Kiana. Sa ugali niya, malamang bata pa lang siya, sanay na siyang binubully. Kung minsan lang sana naglakas-loob siyang lumaban, kahit titigan lang sila nang masama, siguro wala nang mang-aapi sa kanya. Pero dahil mula pagkabata, sanay na siyang inaapi, akala niya normal lang ’yon. Noong bata pa siya, hindi niya alam kung ano talaga ’yon, kaya hindi niya alam kung paano haharapin. Tapos nung lumaki na siya, nagbanggaan yung mga naranasan niya dati at yung mga bagong naiintindihan niya ngayon. Kaya siy
続きを読む