Ilang beses na silang naghalikan noon, kaya alam na alam ni Harmony kung gaano kalambot ang mga labi ni Darien.Nangati ang puso niya, at sa isip niya, may nag-aaway na anghel at demonyo.“Magnakaw ng halik habang tulog ang iba? That’s so creepy, parang manyak.” “Hello, asawa ko ’yan. Isang kiss lang, anong masama? Hindi naman illegal. It’s called lambing, okay?”Sa huli, nanalo ang demonyo.Lumapit ang mukha ni Harmony at mabilis na hinalikan si Darien sa labi.Sinilip niya ito.Walang reaksyon.Mukhang sobrang pagod talaga.Lakas-loob na siya ngayon, kaya ilang beses pa niyang hinalikan ang mga labi nito. Sa huli, medyo tumagal ang halik, at pakiramdam niya ay bahagyang gumalaw ang pilikmata ni Darien.Kinabahan siya bigla, parang batang nahuling may ginawang kalokohan, kaya agad siyang umatras.Pero maya-maya, napaisip siya. Bakit siya kinakabahan? Kung magising man si Darien, pwede naman na silang dumiretso sa next step.Sayang, hindi nagising si Darien. Relax pa rin ang
더 보기