Hinawakan niya ng dalawang kamay ang mukha ng dalaga, pinalapit pa.“You are my second chance. My only chance. My future.”Hindi na kinaya ni Estella ang emosyon. Tumulo ang mga luha niya habang nakatingin kay Ryder.Marahang inilapit ni Ryder ang kaniyang noo sa noo ni Estella, mahigpit ngunit marahan ang pagkakayakap niya dito.“I love you, Estella,” bulong niya, puno ng panginginig ang boses.“I love you too, Ryder.” nangingilid ang luha niyang tugon, bago halikan si Ryder.Kinabukasan, masaya ang aura ng buong mansiyon nang dumating ang Mama ni Estella mula sa ospital.Ipinahatid mismo ni Ryder ang Mama niya gamit ang personal na doktor ng Cortez family, at inihanda pa ang isang malinis at komportableng kuwarto para rito.Nakahawak ang Mama ni Estella sa kamay ng anak niya habang nakangiti, bakas ang pasasalamat sa mga mata.“Maraming salamat, hijo. Hindi ko alam kung paano ka namin mababayaran sa kabutihan mong ito,” mahina ngunit taos-pusong sabi ng ginang.Ngumiti si Ryder, bah
Read more