ALLISON P.O.V. "Ilang araw ko nang napapansin na namumugto 'yang mga mata mo. May problema ka ba, anak?" tanong ni Mom. Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga damit dahil aalis na ako kinabukasan papuntang Albay. Hindi ko na isasama si Drake, dahil maselan para sa kanya ang bumiyahe nang malayo't kakaopera pa lang niya. Ayokong malayo sa anak ko, pero kailangan. I smiled at Mom, but I was reminded of my confrontation with Dwayne last night. How dare he think I have another man? Sa kanya nga lang ako natutong bumukaka, tch. Pero deep inside naiisip ko na may kasalanan din ako dahil inilihim ko sa kanya ang lahat. Kung sinabi ko ba ng maaga ay hindi mangyayari ang mga bagay na nakita ko? Masasaktan kaya kami pareho? "Nag-aaway ba kayo ni Dwayne?" Hindi agad ako nakasagot, nanatili akong tahimik. Baka kasi kapag nagsalita ako ay maiyak na naman ako. "Natural lang 'yan, anak. Sa relasyon, hindi naman palaging masaya, minsan malungkot at kadalasan pa ay nag-aaway pero diyan masusukat an
続きを読む