ALLISON P.O.V. Somehow, I survived a whole day here at Mama Alyanna’s house. I saw Mark sitting on a wooden chair, staring at the dark sky. Walang kahit isang bituin na makikita doon. Uulan pa ata bukas. "Malamig na, nandyan ka pa rin sa labas," nakangiting sabi ko at tumabi ako sa kanya. Tahimik lang siya at parang hindi narinig ang sinabi ko, kaya pinitik ko siya sa tenga. "Ano ba!" masungit na sabi niya. "Dapat hindi ka na lumabas, baka sipunin ka." Kunwari'y galit, pero concern naman pala. "Pwede magtanong?" Curious kasi ako kung nasaan ang asawa ni Mama Alyanna. "May asawa ba si Mama Alyanna?" tanong ko. Nanatili siyang tahimik. Ilang minuto pa bago ako nakakuha ng sagot mula sa kanya. "Wala. Tiyaka lahat kami ay inampon niya lang," tipid na sabi niya, kaya napatango nalang ako. Magtatanong pa sana ako, pero naunahan na niya ako. "Lagi niyang sinasabi na isa lang daw ang minahal niyang lalaki. Iyon ang tatay mo," sabi niya na hindi pa rin ako tinitingnan. Malungkot ang kany
続きを読む