DWAYNE'S P.O.V Malapit na kaming makarating sa Pasay. Kasama ko si John, at siya ang nagmamaneho ng sasakyan. May kasama rin kaming iilang tauhan. "May problema ba, John?" tanong ko, dahil kanina ko pa napapansin na parang malalim ang iniisip niya. Sana pala ay hindi na lamang ako nagtanong, dahil niyabangan na naman ako ng lintik na lalaking ito. "Wala. Hindi naman ganoon kakumplikado ang buhay ko kagaya mo," natatawang sabi niya, kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Napakayabang mo talaga," nakangusong sabi ko. "Yabang nalang talaga ang meron ako. Ipagdadamot ko pa talaga sa sarili ko?" natatawang sabi niya, kaya mas lalo lamang tumaas ang kilay ko sa kanya. "Iniisip ko lang kung kailan kayo magiging masaya ni Allison. Parang linalapitan kayo palagi ng gulo, pati ako nadadamay," nakangusong sabi niya. "Kapag nawala na si Tito Lucio sa landas namin," malamig na sabi ko. Hangga't nandito siya at nanggugulo sa buhay namin, kahit kailan ay hindi talaga namin makukuha ang kapayapaan
続きを読む