MasukAnother update po. Medyo late na pero abot pa naman🫢 Follow niyo po ako- author niyong nakikiusap. Ang magpa-follow ay mabebembang ngayong gabi ..Charr lang 😂 Salamat po sa pagbabasa.
ALLISON P.O.VGinabi na't lahat wala parin akong nakukuhang tawag mula kay Dwayne, nag-aalala kaya ang girlfriend niya.Bzzzzt....Bzzzt...Bigla nalang nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan.1 messaged received..From Dwayne:"Nasa labas ako ng gate ng subdivision niyo, labas ka." Mahinang sabi niya. Literal na nagulat ako, sinadya talaga niyang puntahan ako. Napak-sweet naman talaga. Wala akong inaksayang oras, nagpaalam agad ako kay Mom."Mom, aalis po muna ako. Nasa gate si Dwayne," Nahihiyang sabi ko. Ngumiti naman agad siya at sumenyas na "sige na"."Bakit hindi mo nalang siya papuntahin dito? Kawawa naman yung tao, gabing-gabi na nagda-drive pa," May punto naman si Mom, pero nang maalala ko si Drake, saka nalang siguro kapag maayos na ang lahat."Ako nalang Mom ang lalabas, baka bukas na rin ako makauwe," Pinilit kong tumawa. Knowing Dwayne, paniguradong hindi niya ako pauuwiin. " Hay nakung bata ka! Sige na at matanda kana, baka mamaya malaman ko na lang na
DWAYNE P.O.VHalos apat na oras ang naging byahe namin simula Pampanga patungong Calatagan sa Batangas. May tagong rest house kasi ako na pinagawa dito, walang masiyadong tao at malapit lang din sa dagat. Pagdating namin ay sinalubong kami ni Mang Ramon, ang mapagkakatiwalaan kong taga-bantay ng rest house. "Magandang umaga, Mang Ramon," nakangiting bati ko sa matanda na abala sa pagtatambak ng bato sa paanan ng rest house. Nagulat pa siya ng makita ako, pati na ang nanay ko. "Kayo ho pala, Sir Dwayne. Ano't naparito po kayo dito?" Magalang na tanong niya. Punong-puno ng pawis ang kanyang noo, marahil ay dahil sa pagtatambak niya ng bato at pagtatanim ng bulaklak.."Nanay ko po pala, tawagin niyo nalang siyang Ma'am Karen," nakangiting pakilala ko. Mabait si Mang Ramon, halos dito na nga siya tumira sa rest house, wala na rin kasi siyang pamilya. Nadaanan ko siyang namamalimos sa Maynila, kaya ang ginawa ko'y kinupkop siya at dinala rito. Siya na rin ang nagpresinta na maging taga-
ALLISON P.O.VNang mayakap ko si Ate Cassandra ay tila nakabalik na ako sa dating ako. Walang galit, walang poot na kinikimkim, napaka-payapa. Isang yakap na ang ibig sabihin ay kapatawaran at pagsisimula ng masaya at panibagong relasyon bilang magkapatid, kahit hindi naman kami tunay na magkadugo. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga, bago ko siya komprontahin."Ate, pwede magtanong?" Umalis ako sa pagkaka-yakap sa kanya at tiningnan siya sa mata. "Biological daugther kaba talaga ni Mom?" Mababatid ang matinding lungkot sa boses ko."Ofcourse not, Si Mama (Vina) ang totoo kong nanay, beside dugo lang ni Dad ang nananalaytay sakin. Pero kung may mas naging nanay dito, si Mama Rose 'yon," Mapaklang sagot niya at tumingin sa malayo. So, all this time ang alam niya din ay si Dad ang tunay niyang ama, which is hindi naman. Paano ko ba to sasabihin sa kanya na hindi siya magagalit o masasaktan?"P-paano kung malaman mong hindi si Dad ang totoo mong Tatay, anong gagawin mo?" Deserve
DWAYNE P.O.V Pagkatapos kong ihatid si Allison sa Coffee shop ay dumiretso na ako sa bahay ni John sa Pampanga. Sobrang layo ng naging byahe ko, inabot ako ng dalawang oras sa byahe. Pagdating ko sa bahay ni John ay nag-doorbell muna ako sa pintuan. Ilang minuto ang hinintay ko bago nila ako pinagbuksan. Si Mom ang nagbukas ng pintuan kaya agad ko siyang niyakap. "Thanks God! Mabuti naman ay ayos ka anak," Puno ng pag -aalala na sabi ni Mom habang hinahawakan ang mukha ko. Bumitaw siya sa akin at agad akong pinapasok sa bahay. "Asan si John, Mom?" Tanong ko, dahil hindi ko siya makita sa loob ng bahay. "Nasa kwarto niya, tulog pa ata. Huwag mo nang gisingin, antayin mo na lamang na magising siya." Nakangiting sabi ni Mom. Lumapit ako sa kanya, at pinaupo ko siya sa sofa. Andami niyang pasa, napaka-hayop talaga ni Tito Lucio. "Siguro naman ngayon ay matatauhan kana, Mom. Huwag mo nang antayin na mapatay ka ni Tito Lucio. 'Wag na 'wag kanang babalik sa kanya!" Seryosong sabi ko
ALLISON P.O.V When I entered Cafe Amante, I was greeted by Angelo, his forehead was all furrowed, like I’d done something really wrong. "Mag-uusap tayo, Ate." Seryosong sabi niya at hinila ako sa likod ng kanyang Coffee shop kung saan tanging VIP lamang ang nakakapunta. "Bakit? May nangyari ba?" Kabadong tanong ko. Mas lalo pa siyang naging seryoso at nakapamewang na humarap sa akin. "Magsabi ka nga sakin ng totoo, siya ba ang tatay ni Drake?" Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa pagkagulat. "I was right all along! When he first came in, I thought I was just seeing double – he looks exactly like Drake!" Nakangiting sabi niya. Akala ko'y magagalit siya pero mukhang natutuwa pa siya. Kung binisita lang niya si Ate Cassandra noong inoperahan ito, ay paniguradong magku-krus ang landas nila ni Dwayne. Sumaglit lang kasi siya, kaya hindi sila masiyadong nagkita. Akala ko, okay na ang lahat pero hindi pa pala. Bigla nalang siyang tumigil sa pagtawa at masama akong tiningnan. "Wala ako
DWAYNE'S P.O.VPagka-alis ni Cassandra, natatawa kong tiningnan ang pintuang pinagtataguan ni Allison. Lumapit ako at pinihit ang seradura nito, nagulat na lamang ako nang bigla niya akong yakapin. Yakap na punong-puno ng kaligayahan. "Thank you for the love that makes you willing to fight for me against anyone." Naramdaman ko ang pag-iyak niya sa balikat ko kaya hinagod ko na lamang ang likod niya at maya-maya pa'y hinawakan ko nag mukha niya, tinitigan ko siya sa mata. ""The moment we met at the bar, I started falling for you. They're right, love isn't measured by how long you've known each other, but by how you connect and the happy memories you create. I know I was your first, and I'll make sure I'm your last." Nakangiting sabi ko at dinampian ko siya ng matamis na halik sa kanyang noo. "Narinig mo naman siguro ang sinabi ng Ate mo?" Tanong ko sa kanya na agad naman niyang tinanguan."Oo, plano ko munang kausapin siya, madami kasi kaming kailangang pag-usapan," Malungkot na sab







