LOGINIlang araw na ang nakalipas magmula nang magising si Thor at hindi ako maalala.Isang linggo na ang lumipas sa sunod-sunod na pagsusuri at gamutan. Unti-unti na siyang lumalakas, bagay na labis kong ipinagpapasalamat. Hindi ko siya iniwan; nanatili ako sa tabi niya kahit na yelo ang pakikitungo niya sa akin. Kung kailangan kong magsimula sa simula, gagawin ko. Dahil kung may natutunan man ako sa lahat ng pinagdaanan namin, iyon ay ang katotohanang walang madaling laban pagdating sa taong mahal mo.Ngayong hapon, pumasok ako sa kanyang kwarto bitbit ang prutas na binalatan ko. Saktong nakita ko siyang hawak ang photo album na iniwan ko sa kanya noong isang gabi. Nakatitig siya sa isang partikular na pahinaโang litrato kung saan nasa loob kami ng bahay, parehong may malalaking ngiti habang nakatingin sa isaโt isa nang may purong pagmamahal.Nang marinig niya ang gulong ng wheelchair ko, mabilis niyang isinara ang album at inilapag ito sa gilid, binalot muli
Ilang oras matapos ang marahas na katotohanang sumampal sa akin, nanatili pa rin ako sa sulok ng madilim at malamig na pasilyo ng ospital. Karga ko si Astria na sa wakas ay nakatulog na rin pagkatapos ng walang humpay na pag-iyak. Basang-basa pa rin ng luha ang kanyang maliliit at namumulang pisngi. Ang sakit na idinulot ng pagtanggi ni Thor sa sarili niyang dugo at laman ay tila isang lason na dahan-dahang pumapatay sa bawat hibla ng aking puso. "Hija..." Lumapit si Mama sa akin, may hawak na baso ng tubig. "Uminom ka muna. Kailangan mong maging malakas para sa anak mo. At para na rin sa sarili mo." Kinuha ko ang baso ngunit nanatili lang itong nakatigil sa aking kandungan; hindi ko magawang uminom. "Ma... paano naging ganoon kalupit ang tadhana? Kung kailan wala na si Sofia, kung kailan gising na si Thor... doon pa ba kami tuluyang nabura sa buhay niya?" Ang boles ko ay basag na basag, gumaralgal sa tindi ng dalahin. "Wala ako... wala kami sa alaala niya." Hinaplos ni Mama ang li
Habang lumilipas ang mga araw na nakasama ko si Thor, mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Kaya naman talagang gumuho ang mundo ko sa mga binitiwan niyang salita. โWho are you?โ Ang boses na datiโy nagbibigay sa akin ng kalinga at init, ngayon ay parang isang matalim na kutsilyo na dumeretso sa puso ko. Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa mga mata ni Thorโmga matang gising, ngunit walang bakas ng kahit anong pagkakakilanlan sa akin. โL-Loveโฆ hindi mo ba ako naaalala?โ nanginginig kong tanong. Pilit kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya, umaasang sa pamamagitan ng balat sa balat ay may kislap na babalik sa kanya. โAko itoโฆ si Astrid. Ang asawa mo.โ Ngunit marahan niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko. Isang reaksyon na mas masakit pa kaysa sa anumang sampal. Napalunok ako habang pilit na pinipigilan ang paghagulhol. โAsawa?โ mahinang ulit ni Thor. Kumunot ang kany
Apat na araw na ang lumipas mula noong gabing dumanak ang dugo sa ICU ward. Inilipat kami ng mga tauhan ni Matteo sa isang pribado at mas ligtas na suite sa pinakatuktok ng ospitalโisang lugar na binantayan na ng tatlong patong ng mga armadong gwardya. Wala na si Sofia. Alam kong dapat ay payapa na ang isip ko, pero tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, naririnig ko pa rin ang huling halakhak niya bago siya tuluyang bumagsak sa semento. Ngunit ngayon ang February 10. Ang mismong araw ng kaarawan ng aming anak na si Astria. "Happy birthday, anghel ko," bulong ko habang hinahalikan ang noo ni Astria na nakaupo sa aking kandungan. May maliit na cupcake sa ibabaw ng lamesa na may nag-iisang kandila. Walang malaking handaan, walang ingay. Ang tanging hiling ng anak ko, tulad ng lagi niyang sinasabi, ay ang magising na ang kanyang Papa. Inilapit ko ang aking wheelchair sa gilid ng kama ni Thor. Hawak ni Astria ang maliit niyang laruan habang ang isa niyang kamay ay pilit na inaabot an
Ang putok ng baril ay parang kulog na yumanig sa apat na sulok ng ICU. Sa tindi ng lakas ng tunog, tila nabingi ako ng ilang segundo. Nakita ko kung paano tumalsik ang hiringgilya mula sa kamay ni Sofia nang tamaan ng bala ang kanyang braso. Napasigaw siya sa matinding sakit, hawak ang kanyang duguang pulso habang umaatras patungo sa gilid ng bintana. Sa may pintuan, nakatayo si Matteo. Hawak ang kanyang rebolber na may umuusok pang dulo, ang kanyang mukha ay parang sa isang demonyong handang pumatay. "Sabi ko sa iyo, Sofia..." malamig na pahayag ni Matteo habang mabilis na humahakbang papalapit, ang dulo ng baril ay nakatutok na ngayon sa pagitan ng mga mata ng babae. "Ang ospital na ito ang magiging huling hantungan mo." Ngunit bago pa man makalapit nang tuluyan si Matteo, isang malakas na kalabog ang narinig ko mula sa labas ng pasilyo. Biglang may sumabog na smoke grenade sa tapat mismo ng nakabukas na pinto ng ICU. Ang makapal, kulay-abo, at nakasasakal na usok ay mabilis na pu
"Sigurado ka bang malinis ang buong paligid, Shan?" tanong ko habang nakatitig sa mga monitor ng CCTV sa security room ng ospital. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang mamatay ang espiya sa fire exit, ngunit hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang buong building. "Yes. Nagtaas tayo ng red alert noong unang gabi dahil sa burner phone na nakuha mo, pero mukhang naging false alarm ang inaasahan nating paglusob. Walang cleanup crew na dumating," sagot ni Shan habang humihigop ng kape. "Baka natunugan ni Sofia na nahuli mo ang tauhan niya." Bumuntong-hininga ako. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil nanatiling tahimik ang mga nagdaang araw. Ngunit hindi kami basta magpapakampante; baliw na si Sofia. Ang sakit lang isipin na dahil sa labis na pagmamahal ay nasiraan siya ng isip. "Huwag kayong pakasisiguro. Ang kalmado ng bagyo ay palatandaan lang na may mas malaking delubyong darating," malamig kong paalala bago ako tumayo para tingnan ang lagay nina Astrid sa ita
Kumuyom ang aking kamao hanggang sa bumaon ang aking mga kuko sa aking palad. Nanunuyot sa pait ang aking lalamunan, at ang bawat paghinga ko ay mabagal at hirapโtila may kasamang buhangin sa sobrang hapdi."Kukuha lang po ako ng tubig, Mama," mahinang paalam ko. Halos hindi ko na makilala ang sari
Ang bawat segundo sa loob ng ICU ay tila isang taon ng paghihirap. Ang tunog ng defibrillator na tumatama sa dibdib ni Astria ay tila ba sa puso ko rin humahagupit."Charge to 100! Clear!" sigaw muli ng doktor.Nakita ko ang muling pagtalon ng maliit na katawan ng anak ko. Nanatili akong nakaluhod
๐จ๐๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฝ๐๐๐Sinabi nila na sa bawat patak ng ulan, may kasamang paglilinis ng damdamin. Pero bakit sa bawat patak na gumugulong mula sa aking buhok patungo sa aking pisngi, tila lalong dumudumi at bumibigat ang lahat? Nakatitig lang ako sa lalaking nasa harap ko
Ang mundong sinusubukan naming buuin ni Thor sa isang iglap ay gumuho. Ang mga pangakong binitawan niya sa ilalim ng mga bituin ay tila naging mga abo na tinangay ng malamig na hangin ng gabing ito.Nanghihina man, pinilit ko pa rin ang sarili na lumayo sa dambuhalang lugar; palayo sa lalaking ang







