Tahimik ang buong unit nang umalis si Liam para bigyan siya ng space. Hindi niya sinabi kung saan pupunta. Hindi rin siya nagpaalam ng kahit anong dramatic. Wala ring sigaw, wala ring galit just a soft kiss sa noo niya, isang mahinang “Take your time, Mia,” tapos dahan-dahang pagsara ng pinto. At doon tuluyang sumabog ang mundo ni Mia. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatayo lang sa gitna ng sala, hawak ang throw pillow habang nanginginig ang dibdib niya. Parang biglang lumaki ang buong apartment, parang lumamig ang hangin. Parang lahat ng ingay sa utak niya naging echo. Why am I like this? Why now? Why him? Why… again? Umupo siya sa sahig, hindi na sinubukang umabot sa sofa. Niyakap niya ang tuhod niya at dun siya umiyak hindi yung iyak na malungkot, kundi yung iyak na parang lumalabas ang lahat ng tanong, sugat, takot, guilt, at hindi niya maipangalanang emosyon. “Bakit ba ang gulo ko…” bulong niya, paulit-ulit. Gusto niyang maging strong. Gusto niyang maging sur
Last Updated : 2025-11-29 Read more