Liam POVTahimik.Mas tahimik kaysa sa dapat.Mas tahimik kaysa sa kaya kong tiisin.Simula nung gabing umuwi kami mula sa gallery kung saan nag-crack si Ethan at nag-confess sa harap naming dalawa may kung anong unti-unting nag-iba kay Mia. Hindi agad halata, pero ramdam ko. Para itong lamig na dahan-dahang sumisingit sa pagitan namin, kahit anong pilit kong ibalik ang init, hindi ko magawa.At ngayon, habang nakaupo kami sa couch, parehong nakaharap sa TV pero walang totoong nanonood, ramdam na ramdam ko ang distansya.Mia is right beside me, pero pakiramdam ko… ang layo niya.Hindi ko alam kung gusto kong kausapin siyao kung mas mabuti bang huwag ko siyang pilitin.Kasi minsan, kahit gaano mo kamahal ang tao, hindi mo alam kung anong dapat mong gawin para hindi siya masakal o tuluyang mawala.Tahimik na UmagaKinabukasan, mas maaga siyang nagising kaysa sa akin.Rare iyon.Usually ako yung nauunang mag-prepare ng kape para sa amin.Pero ngayon, paglabas ko sa kusina, nandoon na si
Last Updated : 2025-12-09 Read more